Saturday, February 20, 2010

Kris Aquino Bilang Hurado sa Pilipinas Got Talent

Si  Kris Aquino ay magiging isa sa mga hurado o judge ng nalalapit na talent show Pilipinas Got Talent.

Kahit dati ay napabalitang umatras si Kris Aquino bilang host sa Pilipinas Got Talent, ngayon ay nagbabalik na siyang muli bilang isa sa tatlong hurado.

Sa tingin ko ay mas nakabuti ito. Mas bagay kay Kris ang maging isang hurado kaysa maging isang host sa Pilipinas Got Talent.

Nasabi ko ito dahil si Kris ay kilalang isang tao na maraming nasasabi at maraming opinyon. Siguradong maraming masasabi si Kris ukol sa kalidad ng mga palabas na makikita niya. Siguradong pupunahin niya ang mga contestant ng prankahan kung ito ay nagutuhan niya o hindi at kung bakit niya nasabi ito. :)

Sa isang banda, kung maging host siya, maaaring matabunan pa niya ang ibang mga performers sa lakas ng kanyang presensiya. :)  At baka magkaroon pa ng pagkakataon na di mapigilan ni Kris Aqunio na magbigay nang commento sa kanyang napanood kahit siya ay isang host at hindi hurado. :)

Sa pagsali muli ni Kris Aquino, siguradong mas magiging exciting ang Pilipinas Got Talent!

No comments:

Post a Comment

Pilipinas Got Talent . blogspot . com's Fan Box